Miyerkules, Mayo 15, 2013

Panaginip


Nagising akong pawisan,
Hinga'y malalim.
Ano nga bang nangyari?
Sinusubukang alalahanin. mabigat na damdamin, ngayon saki'y sumasagi.
Gustuhin mang umidlip ngayo'y di na mapakali.

Sa aking panaginip ika'y wala na, matamis mong ngiti di na makita.
Paggising kita'y hinahanap, nasaan ka?
Yakap mo aking kailangan, mga halik mo.
Isang masamang panaginip lamang.

Uminom ako ng tubig, uhaw ay pilit na pinawi.
Ano nga bang nangyari?
Sinusubukang alalahanin.
Mga luha ngayon saking mga pisngi dumarampi.
Gustuhin mang bumalik, ngayo'y di na maaari.

Sa aking buhay ika'y wala na, matamis mong ngiti di na makikita.
Sa araw araw ika'y hinahanap, nasaan na?
Yakap at halik mo ay wala na.
Isang masamang panaginip?
Pipilitin kong gumising.
Pipilitin kong maniwala na lahat ito,
Masamang panaginip lamang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento